![]() |
Naalala kita, Ama ko. |
Oo naaalala kita, 'di man madalas kitang napupuntahan o nadadalaw,
pero, Oo, naalala kita.
Walang araw na hindi kita naaalala.
Minsan dumarating ang oras na iniisip ko,
Paano kung buhay ka pa ngayon?
Magiging PROUD ka kaya saakin bilang anak mo?
Oo, naalala kita, at gusto kong maalala ka.
Maalalang malakas at nagagawa mo mga bagay na mahal mo.
Oo, naaalala kita.
Minsan, iniisip ko, sana andito ka,
Para makita mo kami,
Ginagawa mga bagay na natutunan namin sayo.
Oo, naaalala kita.
Pinapangarap na sana andito ka,
Kasama namin sa tagumpay.
Minsan, iniisip ko na sana nakikita mo ako.
Para naman sa oras na kailangan ko ng payo mo,
Maririnig kita.
Oo, Inaalala kita palagi.
Dahil mahal kita palagi.
Kahit ang paglubog ng araw ay nagpapahiwatig ng kalungkutan, ngunit, di matatapos dito, sapagkat sisikat muli siya taglay ang pag-asa na buhat sa Dios.
Ang mga larawang ito ay nagsasabing, may maganda sa bawat paglubog ng araw.
May mabuting mangyayari pagkatapos ng paglubog ng araw.
Salamat sa Dios, sapagkat di palaging nakalubog ang araw para saatin.
Huwag mong hayaang kasama ng paglibing sa taong mahal mo, ang mabubuting alaala niya.
Bagkus, hayaan mong manatili saiyong puso.
Hayaang mong magdulot saiyo ang mga alaalang iyon ng kagalakan.
Hayaan mong patuloy siyang buhay saiyo, hindi upang manatili sa masalimuot na kalagayan, bagkus maging daan ito upang gumawa ng mga bagong alaala sa mga nasa paligid mo.
Sapagkat darating ang panahon, ikaw na ang nasa kalagayan niyang inilibing, gusto mo bang malimutan ka nila?
Hindi. Bagkus, maalala nilang lahat.
0 Comments